Naisulat ko ito noon pang Oktobre 14, 2004 (aking kaarawan), ngayon ko lang lakas-loob na mailalathala sa kadahilanang wala na akong ibang mailathala...
Noong araw na sumulat ako ng artikulo patungkol sa bisyong sigarilyo...me tanong doon kung "kelan ang aking unang yosi" at pabiglang sumaglit sa aking alaala ang mga nakaraan. Mabuti man, masama o mababaw, ito'y naging parte rin ng aking buhay. Naisip ko, makapagsulat ng mga panyayaring may katanungang "kelan ang una..." at nang makapagbalik-tanaw. Hindi ito naisulat sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
Kelan ang aking unang pag-ibig?: 2nd year ako noon sa kolehiyo, hinding-hindi ko malilimulan si Marivic (maganda, mahinhin at kamukha ni Anna Marie Gutierez ng sumikat na "Scorpio Nights"), una kong natanaw sa bintana ng tinutuluyang boarding house sa Baguio. Di ko talaga napigil ang aking sarili, pagibig sa unang tingin, kumatok ako sa tinitirhan niya noon at kapal-mukhang nagpakilala sa sa kanya. Pinalad naman ako sa aking mahabang paniningalang-pugad, nag-on kami ng dalawang taon at nagkahiwalay din sa masakit na dahilan. Dinamdam ko yun at di nanligaw uli sa iba ng higit 4 na taon.
Kelan ang aking totoong pag-ibig?: Nang makilala ko ang aking naging asawa, si Liezel. Nakikituloy siya sa bahay ng kanyang tiya na me tindahan kung saan ako bumibili. Me hawak akong sukling barya noon, pinakilala ako sa kanya ng kanyang tiyahin at sa aking kaba at kalituhan, nabitawan ko ang aking hawak na barya at sumabog ito sa lupa. Ngiti lang ang tugon nya sa akin. Mula noon, di ko na siya nilubayan, siya nga ang aking nakatuluyan at ina ngayon ng aking mga anak.
Kelan ako unang nagkaroon ng tapat na kaibigan?: Edad 9 nang makilala ko si best friend Zaldy...sa araw-araw na ginawa ng Diyos, kami ang laging magkasama, sa paglalaro, sa init ng araw, sa galaan, sa pagkain, sa kalukohan. Sa kanya ako natutong gumuhit...talagang napakagaling nya. Ito na ang aking naging unang hilig... guhit dito, guhit dun, maski sa lupa...guhit. Napatunayan ko ang aking sarili nang sumali ako sa isang "poster making contest" sa unibersidad...3rd year college ako. Isa ako sa 10 runner-ups at ok na sa 'kin yun...sa mahigit 100 entries, nasa top 10 ako. Ang tema noon ay tungkol sa pag-iwas sa droga at ang aking dibuho (guhit sa charcoal) ay isang taong nakataob sa loob ng malaking ineksiyon (syringe) na parang nalunod sa tubig, at ang naging pamagat at mensahe ay "Drug Addiction leads one to damnation". Syento sinkwenta (150) pesos ang consolation prize at naipang-date ko na 'yon.
Kelan ang aking unang paghanga?: Ah, si Raquel, pinakakyut na kakalse ko sa Grade 3, palagi ko siyang sinusundan noon at binibigyan ng mumurahing tsokolate. Maaga akong lumandi at doon ko unang na-appreciate ang kagandahan ng isang babae.
Kelan ako unang nangarap?: Grade 6 sa elementarya, dahil sa gumuguhit na ako noon, ako ang artist sa aming eskuwela. Nagpagawa sa akin ang aming guro ng isang dibuho na nakalarawan lahat ng aking klasmeyt na naisasalarawan ang kanya-kanyang mga ambisyon, at ang titulo... "What Will I Be, 10 Years From Now?". Doon ko nasabi na magiging enginyero ako...at nagkatotoo nga.
Kelan ang una kong dalamhati?: Nang pumanaw ang aking mahal na lolo...kami ang laging magkasama nang bata pa ako at napakarami kong natutunan sa kanya. Isa siyang magsasaka (di sya ang nagsasaka pero sya ang namamahala ng sakain) at naituro sa akin lahat ng gawain sa bukid, pagmintena ng palaisdaan, paggawa ng bahay-kubo, pati pagsasabong ay natutunan ko sa kanya. Ako'y akay-akay palagi sa lahat ng kanyang lakarin at halos di naghihiwalay, pinakamapait na luha ang lumabas sa aking mata ng siya ay pumanaw.
Kelan ang aking unang tikim ng alak?: 3rd year high school, maalala ko pa...nag-eskapo sa klase kami ng mga barkada at nagtambay sa kanilang bahay...nagpatugtog siya ng bagong awit noon ni Paul McCartney na "Coming Up" at naglabas ng Ginebrang bilog at 7-UP. Yun ang una kong tikim ng alak at yun din ang una kong pagsuka.
Kelan ang una kong trip sa rak en rol?: 2nd year sa high school, narinig ko ang unang kanta ng Cars na "Let's Go" at mula noon di ko na nilubayan ang rock. Sumunod na lumabas ang "Lovedrive" LP ng Scorpions at lalo akong nahibang sa ganiyong tema ng musika. Unang-una kong LP noon ay ang KISS Alive II na nairegalo sa akin ng aking tatay. Hanggang ngayon, ito pa rin aking musika.
Kelan ang una (at huli) na nakatikim ng preso si metal?: 17 anos ako noon, semestral break, bakasyon sa probinsya, nagkita-kita kami ng barkada at nag-inom hanggang madaling-araw. Pinaghalo-halo namin ang inuming beer, gin at coke sa iisang pitsel...sa bagsik at dami ng inumin, lahat kami'y nawala sa sarili. Pagkatapos ng session, sabay-sabay kaming nag-uwian...pagapang. Napadaan kami sa harap ng Police Station at sa kasamaang palad, nakita kami ng mga pulis at lahat kami ay naipasok sa preso hanggang mahimasmasan. "Loitering" daw ang dahilan pero di naman kinasuhan ng pormal. Galit na galit sa akin ang aking mga magulang...'san-linggo yata akong nasermunan at pinagbantaan na pag di nagbago ay sisipain palabas ng bahay.
Kelan unang nawala ng aking pagkalalake?: Birthday ko noon, papasok ng edad 17, pagkatapos ng kaunting salu-salo, dumating ang aking tiyuhin at sinabi sa akin na oras na. Pumunta kami sa karatig bayan at dinala ako sa isang kuwarto na medyo madilim at me pulang ilaw sa kanto ng dingding. Ilang sandali pa lang ay me pumasok na babae na ewan kung saang lupalop galing at nangyari ang dapat magyari (pasensya na, di ko mai-detalye ang nangyari). Walang nasabi ang babae kundi "grabe ka"...
Kelan ako unang nagka-interes sa blogging?: lazy sunday ng July 4, 2004...walang magawa, nag-surf sa internet at napunta ako sa site ni "the mushpit". Nagbasa-basa at napagtanto na ang blog ay isang journal ng buhay, kuro-kuro, insights, paniniwala, interaction ng mga taong may pananaw. Naibigan ko ang blog at gumawa rin para sa aking sarili...nag-aral ng kaunting html, css, graphics editing at macromedia at nakabuo naman ng site na makapagrerepresenta ng aking personalidad o persona. Dito ko naibubuhos ang aking mga problema, hinaing, mga kuwento (seryoso man, nakakatawa o mais), obserbasyon o kahit ano pa man. Hindi na nakukumpleto ang aking araw hanggat di ko nabibisita ang mga kinagigiliwan kong kapwa bloggers...ito ay parte na ng aking buhay.
Marami pa akong kuwentong una, mga karanasang di ko na rin maisusulat sa kadahilanang ito ay medyo personal at makabubuting para sa akin na lang ang mga ito. Maipagmamalaki ko lang na gaano man kabuti o kasama ang mga karanasan, ito ay bahagi, karugtong ng aking pagkalalang, nakapagturo sa akin para sa pagbabago, humubog para sa mas mabuting pagkatao.

1 comment:
Kapalı türbanlı hijab sex türbanlı porno ve türbanlı kızların sex hikayeleri, kesintisiz ve donmadan izleme şansı veriyor.
Post a Comment